SAN JUAN CITY 11 ARAW NA ZERO DEATHS SA COVID-19

FRANCIS ZAMORA

LABING-ISANG araw nang walang naidaragdag na nasawi sa coronavirus disease (COVID-19) sa San Juan City.

Ito ang tiniyak ni Mayor Francis Zamora at sinabing nanatiling 35 ang nasawi sa pandemic sa lungsod na ikinatuwa ng alkalde kasabay ng dasal na tuluyan na sana umanong gumaling pa ang mga may sakit sa nabanggit na virus.

Dagdag pa ni Zamora, sa nakalipas na magdamag isa lang umano ang naitalang kaso ng COVID-19.

Sa kabuuhan mayroon umanong 238 na kumpirmadong may sakit na COVID-19 habang 48 ang nakarekober.

Tinuran pa ni Zamora na posibleng madagdagan pa ang kumpirmadong sakit dahil umano sa patuloy na mass testing ng lokal na pamahalaan sa mga residente.

Double higpit pa umano ang ginagawa nilang checkpoint ng kapulisan sa mga residenteng lalabas para bumili ng pagkain o gamut na tanging may mga barangay quarantine pass at ang social distancing kasabay ng curfew sapol ng palawigin ng gobyerno ng Enhance Community Quarantine. ELMA MORALES

Comments are closed.