SAN MIGUEL FOODS PRODUCTS LIGTAS SA AFRICAN SWINE FEVER

SAN MIGUEL FOOD

TINIYAK ng San Miguel Foods na nananatiling ligtas ang kanilang mga produkto sa  kabila ng napapabalitang pagkalat ng African Swine Fever.

Ayon sa San Miguel Foods, ang mga produkto nilang Purefoods Canned and Refrigerated Meats at Monterey Fresh Meats ay dumadaan sa iba’t ibang masusing proseso upang masiguro ang mataas na kalidad at food safety.

Isang dahilan kung bakit ligtas ang mga produkto nila ay dahil ‘grain-fed’ ang kanilang mga baboy. Ang grain feeds na ipinapa-kain sa mga baboy ay gawa sa state-of-the-art feedmills ng B-MEG sa ilalim pa rin ng kompanya.

Ang mga hog farm at pasilidad ng kompanya ay sumusunod din sa istriktong animal health at biosecurity protocols.

Bukod dito, bago pa man ma-distribute ang mga produkto ay may kaukulang permit na ang mga ito mula sa Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service.

Sinabi ng San Miguel Foods na sa kabila ng protocols na ipinatutupad ng ilang local government units (LGUs), nananatiling ligtas at available ang mga Purefoods Canned and Refrigerated Meats at Monte-rey Fresh Meats sa mga pamilihan katulad ng supermarkets, grocery stores, Monterey Meat Shops, at Monterey Community Markets.

Comments are closed.