PLANO ng isa sa pinakamalaking kompanya ng bansa, ang San Miguel Corporation na magtayo ng isang pagawaan ng Spam brand na luncheon meat sa Pilipinas.
“We will also manufacture Spam,” pahayag ni San Miguel president and chief operating officer Ramon Ang.
Ang pagpoprodyus ng Spam ay bahagi ng programang pagpapalawak ng San Miguel na kailangang magtayo ng 18 bagong pasilidad para sa kanilang food and beverage business sa loob ng susunod na tatlong taon.
Ang production line para sa processed meats ay magkakaroon ng kapasidad na 150,000 tonelada taon-taon.
Sinabi ni Ang na ang kompanya ay gagamit ng longstanding partnership sa Hormel Foods Corporation para makapag-manufacture ng Spam luncheon meat para sa local at export market.
Huling linggo ng nagdaang buwan nang bawiin ng Hormel ang tinatayang 228,614 libra ng delatang produkto ng baboy at manok na malamang ay nahaluan ng ibang element lalo na ng metal.
Sinabi ni Ang, na ang pagpoprudyos ng local na sikat na luncheon meat ay makasisiguro sa kalidad ng produkto.
Gumagastos ang San Miguel ng P742 bilyon para sa inisyatibo ng pagpapalawak, na sinimulan noong 2017. Inaasahang matatapos ito sa 2019 o 2020.
Comments are closed.