SAN MIGUEL MASUSUBUKAN VS PHOENIX (Araneta Coliseum)

fuel master vs beermen

Mga laro ngayon:

4:30 p.m. – TNT vs Blackwater

7 p.m. – San Miguel vs Phoenix

SISIMULAN ng San Miguel Beer ang kampanya nito para sa grand slam sa pagsagupa sa Phoenix Pulse sa PBA Governors’ Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Beermen ay may health issues, partikular ang injuries nina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter at Christian Standhardinger, subalit nakapagpainit sila para sa 7 p.m. game mula sa kanilang East Asia League Terrific 12 stint sa Macau.

Nagkasya ang San Miguel sa fourth-place finish ngunit ang Macau journey ay makatutulong sa Beermen, lalo na ang get-to-know process kay import Dez Wells.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay maghaharap ang Talk ‘N Text  at Blackwater na kapwa sasalang sa unang pagkakataon.

Pinapaboran ang SMB at TNT na manalo sa kanilang magkiwalay na laban dahil malakas ang kanilang mga tao at may championship experience ‘di tulad ng Blackwater at Phoenix na hanggang ngayon hindi pa nakakatikim ng titulo sa kabila ng kanilang massive build-up at pagpapalit ng coach.

Lamang ang Beermen sa frontline na pinalakas ng formidable quartet nina skipper Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Ross at Arwind Santos, habang  walang katapat si six-peat seeking MVP Fajardo sa low post, katuwang si 6’10 Filipino-German Christian Standhardinger.

Natalo ang Phoenix sa una nilang laro laban sa NLEX at determinado ang tropa ni coach Louie Alas, sa pangunguna ni Canadian-Filipino three-point specialist Matthew Wright, na makabawi.

Masusubukan si Wells kontra Phoenix import Eugene Phelps sa kanilang unang paghaharap sa labas ng Estados Unidos.

Nakahandang umalalay para sa Beermen sina Terrence Romeo, Von Pessumal, Kelly Nabong, Paul Zamar at Ronald Tubid kontra kina Wright, RJ Jazul, Jason Perkins, Alex Mallari, JC Intal, Justine Chua, Dough Kramer at LA Revilla. CLYDE MARIANO

 

Comments are closed.