SAN PABLO CITY MANGUNGUNA SA COVID-19 VACCINATION

LAGUNA – BILANG tugon sa hinihiling ng mga pribadong sektor, non-government organizations (NGO’s) at mga kawani, inaasahang mangunguna ang lungsod ng San Pablo sa isasagawang pagbabakuna ng COVID-19 vaccines.

Pangungunahan ni San Pablo City Mayor Loreto “Amben” Amante ang pagpabakuna sa itatakdang araw ng Pamahalaang Lokal kasama ang iba pang kawani at sektor ng lipunan para mahikayat at mawala ang pag-aalinlangan sa kaligtasan ng maraming mamamayan ng lungsod laban sa COVID-19.

Naging clamor din ito ng mga pribadong sektor sa idinaos na multi-sectoral meeting kamakailan para sa isasagawang COVID Vaccination upang patunayan ang safety at efficacy nito na dinaluhan ng Fil-Chinese at SPC Chamber of Commerce sa pangunguna nina RickyTan at Jay Alvero.

Samantala, sinabi ni San Pablo City Information Officer (CIO) Leo Abril, magsasagawa ang mga ito ng screening sa health status ng lahat ng magpapabakuna partikular ang nasa hanay ng mga senior citizen.
100% porsiyentong libre ang bakuna kaya walang anumang dapat bayaran kaya sa lahat ng taga-San Pablo na magpabakuna.

Inaasahan na sa lalung madaling panahon matatanggap na ang COVID kaya puspusan ang isinasagawang paghahanda ng pamahalaang lokal. DICK GARAY

Comments are closed.