MAPAPA “SANA ALL” ka na lang talaga sa murang mga isda sa Jolo Fish Market sa Sulu.
Sa Jolo Fish Market, tumpok-tumpok na mabibili ang mga isda sa murang halaga lamang habang ang sea weeds ay P5 kada tumpok.
Ang mga isda ay P50 pataas depende sa klase habang ang kabibe ay P50 pesos pataas depende sa klase.
Nasa P200 -700 kada kilo ang alimango depende sa klase.
Likas na mayaman ang lalawigan ng Sulu, hindi lang sa mga magagandang tanawin kundi sa mga lamang dagat.
RUBEN FUENTES