MAINIT na sinimulan ni Kayla Sanchez ang kanyang kampanya sa 2024 Paris Olympics.
Ang Filipina swimmer ay umabante sa semifinals ng women’s 100m freestyle nitong Martes.
Naorasan siya ng 53.67 seconds sa Heat 4, na naglagay sa kanya sa Top 16 na uusad sa susunod na round.
Tumapos siya na tabla sa 10th overall sa heats kasama si Anna Hopkin ng Great Britain.
Si world record-holder Sarah Sjoestroem ng Sweden ang pinakamabilis sa heats na may oras na 52.99 seconds.