Sandro lumaki ang lamang sa Ilocos Norte

Batay sa pinakahuling resulta ng survey mula sa RP-Mission and Development Foundation (RPMD), si Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, anak ni dating Senador Bongbong Marcos, ang kasalukuyang nangunguna sa survey pagka-kongresista sa unang distrito ng Ilocos Norte matapos makakuha ng 62%.

Nanguna ng dalawampu’t anim (26%) na puntos si Sandro Marcos. Pumangalawa lamang si Ria Fariñas na nakapagtala ng 36% voter preference. Dalawang porsyento ang nananatiling undecided.

Inaasahang sasabak si Sandro Marcos sa pamilya Fariñas para sa puwesto. Si Ria Christina Fariñas ang kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng lalawigan.

Nangunguna rin si Sandro Marcos sa survey ng RPMD na isinagawa noong Abril 3-8, 2022, na may 53% na voter preference.

Isinagawa ang survey nang malaya at walang komisyon mula Abril 17-21, 2022. Nagsurvey sa 1,000 rehistradong botany na may margin of error na 3% (+/-) at gumamit ng random sampling sa unang distrito ng Ilocos Norte.