SANDRO MUHLACH BREAKS HIS SILENCE

Nagsalita na si Sandro Muhlach hinggil sa nararamdaman niya kaugnay ng akusasyong pang-aabuso sa kanya ng dalawang GMA-7 independent contractors na sina Dode Cruz at Jojo Nones sa isang hotel noong Hul­yo 21, 2024.

Aniya: “What you did to me, it wrecked me.

“Hirap na hirap ako makatulog since it happened. Anxiety and ptsds [post-traumatic stress disorder syndrome] are hard to beat.

“Everyday akong hina-haunt ng trauma ko.

“Ayokong mangyari sa iba yung ginawa sakin kaya sinabi ko sa kapatid ko na sana wag mangyari sa kanya yung nangyari sa akin kasi hirap na hirap na ko.”

Dagdag pa niya, “Diring-diri pa rin ako sa sarili ko. Napakahirap tanggapin lahat ng ginawa sakin.

“I’m trying my best to be okay para hindi mag-alala yung pamilya ko lalo na yung mommy ko na nasa Amerika na araw-araw umiiyak dahil sinisisi niya ang sarili niya na malayo siya at hindi ako naprotektahan. But the truth is hindi ako okay.”

Sabi pa ni Sandro, “Thank you to all my friends and family who always check up on me. I really appreciate it.

“Ang laban ko ay para din sa lahat ng inabuso. The truth will prevail.”

Sinundan niya ito ng pagbabahagi ng isang makahulugang post mula sa Instagram page ng theunsilentsurvivor: “1 out of 6 Men are sexually assaulted or abused. You are not alone.” sandro muhlach post.