Nakatakda palang dinggin sa Senado ang reklamo ni Sandro Muhlach ngayong Miyerkules, Agosto 7, 2024 sa pangunguna ni Senator Robin Padilla, chairman ng Senate Public Information and Mass Media Committe.
Isa na namang senate inquiry in aid of legislation kuno na magsasayang ng oras at pera pero walang patutunguhan.
Gosh, ideretso n’yo kasi sa korte kung may ebidensya para maparusahan ang nagkasala, hindi yung may magpapa-cute pa sa TV at magga-grandstanding para lang mapansin ng madlang pipol. Malapit na kasi ang eleksyon.
Pagpipiyestahan at sasamantalahin ang reklamong sexual harassment ni Sandro para makapagpakilala. Ew!
Of course, imbitado sa pag-ibig ang mga culprits na sina Jojo Nones at Richard Cruz, at syempre, ang biktimang si Sandro.
Ang pinakamalaking kwestyon, darating ba sila? May power ba ang Senate na sapilitang papuntahin ang mga taong ito para gisahin?
While the Senate has the power to conduct legislative inquiries, it must observe the Constitutional right to due process of the persons appearing before such proceedings.
Walang kumpirmasyon kung darating sila o hindi. Ikaw man, darating ka ba kung alam mong hihiyain ka lang? Televised pa!
Invited din ang executives ng GMA Network at Sparkle GMA Artists Center, legal representative Atty. Diokno, GMA Labor Relations manager Atty. Fidel Asuncion, at ang HR representative Fidel Asuncion, pati mga tauhan ng National Bureau Investigation kung saan nagsampa ng reklamo si Sandro.
Sa biglang tingin, comprehensive ang pagtalakay — huwag lang sanang may magpapa-cute lang.
Nakakadala kasi ang mga nagdaang senate inquiry na nagiging comedy at wala ring nangyayari — though sa totoo lang, aliw na aliw ako sa huli nilang Senate hearing na ang bida ay si Alice Gu.
Sige nga, may napala ba tayo liban sa sumakit ang tiyan natin sa katatawa at umutot ng umutot dahil pinipigilan natin ang pagtawa? Wala, di ba?
Anyways, naganap daw ang pang-aabuso matapos ang annual GMA Gala na ginanap sa Marriott Hotel noong Hulyo 20, 2024.
Honestly, kung ako si Niño Muhlach na tatay ni Sandro, pupursigihin ko ang kaso sa NBI.
Sila ang eksperto sa mga krimen, hindi mga senador.
Dapat, mag-concentrate sila sa law making dahil iyon ang trabaho nila.
RLVN