Hindi pala natuloy ang arraignment nina GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz noong Nobyembre 26, 2024 dahil naghain ang dalawang akusado ng motion to review.
After sixty days daw ang next schedule, pero huling pagkabalam na ito.
Kapag nag-start na raw ang hearing, weekly na o twice a month ang hearing dahil criminal case ito.
Ani Niño Muhlach, hindi raw magpapaareglo ang anak niyang si Sandro Muhlach.
“Nung una, sabi nila, mahina raw yung kaso. Nang lumabas ang desisyon ng DOJ, malakas pala, nag-bail sila,” aniya. “Si Sandro, ayaw magpaareglo. Pero sabi ko, ‘Kung PHP100 million na, magpatawad ka na, anak. Matuto kang magpatawad!’” natatawang sabi pa ng dating Child Wonder.
Tatapusin umano nilang mag-ama ang nasimulan nila para patunayang hindi nag-imbento ng istorya ang anak niya.
“Si Sandro, napaka-naive niya. Ano ang mapapala niya para mag-imbento ng ganoong istorya?
May six sessions pa umano si Sandro sa psychiatrist pero almost okay na ito at nakalabas na.
“Dapat, sa akin na nga lang nila ginawa. Sana walang problema. Sana walang kaso!” ani ama ni Sandro.