SANGGOL NA ISISILANG SA 2021 AABOT SA 2 MILYON

Sanggol

PINANGANGAMBAHANG pumalo sa record high na dalawang  milyon ang mga sanggol na isisilang sa susunod na taon.

Ito ayon kay Undersecretary Juan Antonio Perez III, executive director ng Commission on Population and Development (POPCOM) ay dahil sa COVID-19 lockdown.

Sinabi ni Perez na posibleng malampasan ng bilang ng live births sa 2021 ang record na 1.7 million noong 2012 bago maipasa ang Reproductive Health Law.

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mairehistro ang nasa 5 milyong mga Filipino para sa national ID system bago magtapos ang taong ito.

Ayon kay NEDA Acting Sec. Karl Kendrick Chua, isasailalim muna sa pre-registration ang nasa 9 na milyon mga Filipino kung saan inaasahan na matagumpay na maiparerehistro ang nasa 5 milyong bilang ng mga Filipino ngayong 2020.

Sinabi naman ni National Statistician Claire Dennis Mapa na isasagawa ang pre-registration sa 32 mga lalawigan sa bansa na itinuturing na low-risk sa COVID-19.

Aniya, nais nilang matiyak na ligtas sa banta ng COVID-19 ang mga Filipinong isasailalim sa pre-registration pati na ang kanilang mga registration officers.

Paliwanag ni Mapa, magha-house-to-house muna sila upang makuha ang demographic information ng mga residente at upang maitalaga ang appointment system pati na ang mobile registration centers.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Chua na inaasahan na isagawa ang pre-registration para sa national ID system sa darating na Oktubre. DWIZ882

Comments are closed.