(Sanggol nailuwal pa) BUNTIS PATAY SA TUKLAW NG AHAS

QUIRINO PROVINCE-ISANG himala na maitutu­ring ang bagong silang na sanggol matapos isailalim sa Postmortem Cesarian ang ina na namatay dahil sa tuklaw ng ahas sa bayan ng Diffun sa nasabing lalawigan.

Sa nakuhang impormasyon mula kay Dr. Moises Lazaro, Medical Director ng Diffun District Hospital, ang buntis na nasa edad na 36, residente ng Barangay Gulac, Diffun, Quirino ay isinugod sa pagamutan matapos tuklawin ng isang makamandag na ahas at nang suriin ay wala ng buhay ang biktima.

Bagaman,patay ang buntis na biktima ay isinailalim pa rin sa pagsusuri sa kanyang vital signs, kung saan ay napansin umano ni Dr. Lazaro ang tiyan nito na naka-steady ang contraction sa uterus.

Sa kanilang pagsusuri, naghinala ang mangagamot na hindi naabutan ng ‘’venom’’ o kamandag ng ahas ang sanggol kaya’t agad nilang tinignan ang kalagayan ng sanggol at nakitang buhay pa.

Kaagad na nagpasiya si Dr. Lazaro na isagawa ang postmortem cesarian at nakitang kaya nagkaroon ng contraction ay handa nang lumabas ang sanggol.

Nang maisagawa ang mabilisang postmortem cesa­rian sa ina ay unti-unti nagkaroon ng paghinga ang bata at pagtibok ng puso habang patuloy nilang nire-revive, kung saan ay binigyan na ng newborn care ang sanggol at inilipat sa neonatal intensive care unit ng Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.

Sa pag-iimbestiga ng mga kinauukulan, kuwento ng hipag ng biktima na nagtungo umano sa ilog ang biktima upang doon maglaba ng kanilang mga damit, mga ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan kasama ang kanyang dalawang anak.

Nang dumaan sa ilalim ng isang punong kahoy ang biktima ay tinuklaw ito ng ahas sa balikat siyang nitong ikinamatay. IRENE GONZALES

5 thoughts on “(Sanggol nailuwal pa) BUNTIS PATAY SA TUKLAW NG AHAS”

  1. 627346 202590Hi there, just became aware of your weblog by means of Google, and found that its truly informative. Ill be grateful should you continue this in future. Lots of folks will benefit from your writing. Cheers! 838745

  2. 967194 445915The electronic cigarette uses a battery and a small heating component the vaporize the e-liquid. This vapor can then be inhaled and exhaled 680002

Comments are closed.