NORTH COTABATO – ISANG anim na buwang gulang na sanggol ang nasawi matapos ma-dehydrate sanhi ng severe diarrhea habang siya at kaniyang magulang ay nasa evacuation center sa Makilala.
Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Georgina Sorilla, ang sanggol na si Windcesz Arella Piala ay nagkaroon ng acute diarrhea.
Nagawa pang madala sa pagamutan ang sanggol subalit idineklarang dead on arrival.
Ayon sa mga doktor na sumuri sa bata, severe diarrhea ang naranasan nito dahil sa kondisyon nila sa tents sa evacuation center sa Purok Lubi, New Bulatukan.
Sinasabing hindi pa rin sapat ang malinis na inuming tubig para sa mga evacuees. Magugunitang ipinadala na ng Philiipine Army ang kanilang towable water treatment trucks mula sa 10th Infantry Division nang magkaroon ng malinis na tubig ang evacuation areas.
Kasunod nito, pinayuhan ang evacuees partikular ang mga magulang na agad ipaalam sa mga health volunteer kung mayroong dinapuan ng sakit. VERLIN RUIZ
Comments are closed.