CAGAYAN- PUMANAW na ang 11-buwang gulang na sanggol na dinapuan ng COVID-19 sa bayan ng Santa Praxedes.
Ayon sa Santa Praxedes Rural Health Unit and Birthing Center, ang pagkakasakit ng sanggol sa nasabing uri ng virus ang unang kaso ng COVID-19 fatality sa bayan.
Base sa Facebook post ng rural health unit, namatay ang sanggol noong Sabado, Agosto 14.
Dinala noong Agosto 3 sa Northern Cagayan District Hospital ang sanggol matapos makaranas ng ubo, sipon at hirap sa paghinga.
Isinailalim ang sanggol sa RT-PCR test noong Agosto 6 at 3 araw ang nakalipas, lumabas ang resulta kung saan napag-alaman na positibo siya sa COVID-19.
Nagsagawa ng contact tracing ang municipal health office para matukoy ang lahat ng mga posibleng nakasalamuha ng sanggol.
Lumabas naman sa swab test na negatibo sa COVID-19 ang pamilya, kaanak at mga close contact ng sanggol kaya palaisipan kung saan o kanino siya nahawa.
Dahil dito, ibayong pag-iingat ang ipinapayo ng lokal na pamahalaan sa mga residente lalo na ang mga authorized person outside residence o APOR.
Sa huling tala noong Linggo, Agosto 15, mayroong 23 bagong kaso ng COVID-19 sa Santa Praxedes kung kaya umaabot na ngayon sa 38 ang aktibong kaso.
721413 347398Hey. Neat post. There is really a problem together with your web site in firefox, and you may want to check this The browser may be the market chief and a large component of other folks will omit your superb writing because of this difficulty. 68925
293960 653332This really is an exceptional article and I completely recognize exactly where your coming from in the third section. Perfect read, Ill regularly follow the other reads. 33735
350957 796649Deference to site author , some excellent entropy. 189006