AGUSAN DEL NORTE – NASA kustodiya ng militar ang mga gamit sa paggawa ng eksplosibo na nasabat sa isang operasyon sa Brgy. Bitos, Butuan City.
Ayon kay Chief Supt. Gilberto Cruz, regional director ng Police Regional Office 13, ligtas na narekober ng pinagsamang puwersa ng Butuan City PNP, City Mobile Force Company at 23rd Infantry Battalion, Philippine Army ang samu’t-saring kasangkapan sa paggawa ng pampasabog.
Ito’y matapos umanong ibulgar ng mga dating rebelde ang kinalalagyan nito matapos ang debriefing ng pulisya.
Kabilang sa mga nakuhang gamit ay 356 na piraso ng electric blasting caps na may 5 metrong haba na leg wire at 184 na bala kalibre 5.56 na isinilid sa dalawang ice buckets at dalawang plastic containers na isinilid naman sa dalawang sako.
Hawak na ng Explosive Ordinance Disposal Team ng Butuan City Mobile Force Company ang mga ito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.