HINDI pa man tapos ang buwan ng Enero, pumalo na sa 16 pulis ang natanggal sa kanilang puwesto.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ito ay dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang kaso at magkasunod na naaresto sa maghiwalay na buy bust operation ng PNP Region 3 at PNP Region 10 nitong Enero 17 at 18 ang dalawang pulis na sangkot sa droga.
Sa 16 na naalis, pito ang AWOL ( absent without official leave) habang ang iba ay sangkot sa robbery at grave misconduct.
Nagpapaalala naman si Acorda sa mga commander na rendahan ang kanilang mga tauhan.
“It’s very unfortunate that despite our efforts of really trying to show to the public that the PNP is binabawasan natin or tinatanggal natin ang mga misfits and scalawags and then here comes the two police officers who were involved in these buy-busts (..,) may this serve as a warning sa mga immediate supervisors ng mga ito. Make sure that your men are properly accounted and nakikita niyo yung mga ginagawa ng inyong mga tauhan,” anang heneral.
Samantala, inamin naman ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Maj Gen. Romeo Caramat na ang mga tinanggal sa puwesto ay sangkot sa hulidap activities.
“Well some are being accused of hulidap activities, nagraraid ng iba diyan in exchange of something. So, I am just waiting for a complainant para at least naman mag-prosper yung kaso natin,” ani Caramat.
Nilinaw naman ni Acorda na priyoridad nila ngayon ang pagpapaigting sa internal cleansing.
“Please maawa kayo sa pamilya niyo, you have higher salaries na, ibalik natin yung tama sa serbisyo. Kokonti lang naman kayo but nakakasira kayo sa organization. Tumulong na lang para tayo ay magkaroon ng mas magandang imahe,” panawagan pa ni Acorda sa kanyang mga nasibak. EUNICE CELARIO