(Sangkot sa iba’t ibang kaso) 4 BOMBAY, 1 TAIWANESE NASAKOTE NG IMMIGRATION

AKLAN- INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang limang puganteng dayuhan na wanted bunsod sa kinasasangkutan mga ibat-ibang kaso sa kanilang mga lugar.

Ayon sa report naaresto ang apat na Bombay at isang Taiwanese sa magkakahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) sa Iloilo at Boracay.

Kinilala ang tatlong puganteng Indiano na sina Manpreet Singh, 23-anyos; Amritpal Singh, 24-anyos at Arshdeep Singh, 26-anyos na nadakip noong Marso 7 sa kanilang pinagtataguan bahay sa Iloilo City.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, ang tatlong Bombay ay mayroon mga warrant of arrest dahil sa kasong pagpatay o Murder, at paglabag o Violation of Explosive Substances Act 2001 and Unlawful Activities Prevention Act 1967 of India.

Kasamang nahuli rin ang isa pang Bombay na si Amrikh Singh, 33-anyos dahil sa walang maipakitang travel documents na kinokonsidera na isang undesirable o undocumented alien kung kaya’t hindi ito maaring manirahan sa bansa.

Dagdag pa ni Sy ang mga Indiano na ito ay pinaniniwalaan mga miyembro ng isang extremist group sa New Delhi na kilala sa tawag na Khalistan Tiger Force, kung kaya’t agad na ipapadeport upang kaharapin ang kanilang kasong kinasasangkutan.

Samantala, ang puganteng Taiwanese na si Lee he Zhan na nahuli noong Marso 7 sa Boracay ay wanted sa kanilang bansa dahil paglabag ng Taiwan Narcotics Hazard Prevention Act.

Pansamantalang nakakulong ang limang dayuhan sa BI facility sa Bicutan, Taguig habang naka-pending ang kanilang deportation Order sa tanggapan ng BI Board of Commissioners.
FROILAN MORALLOS