PINADISARMAHAN ni PNP National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Vicente Danao Jr. ang anim na miyembro ng Manila Police District (MPD) at ipinag-utos ang agarang imbestigasyon sa naganap na pangongotong o robbery extortion para sa posibleng pagkasibak sa serbisyo sa mga ito.
Nakarating kay Danao ang ginawa umanong robbery extortion ng anim na pulis MPD sa isang SK Chairman.
“We never tolerate any wrongdoings of our personnel on the ground especially in illegal drugs and bangketa and as part of our Oplan LITIS o Linisin, Litisin Tiwali at Iskalawag sa hanay eh rest assured that appropriate actions will be serve sa mga tiwali, I would also like to commend the Station commander of MPD PS2 Lt Col Gallora for his swift action, Gabayan natin ang matitinong kapulisan pero let us police our own ranks and exercise our leadership, Again my stern warning sa mangilan-ngilan na lamang na mga tiwali, Change your ways dahil may kalalagyan kayo!” ani Danao.
Una nang naghain ng reklamo ang isang Jericho Laniog, 24 -anyos, SK Chairman at residente ng No. 1406 Doroteo Jose Street, Brgy. 313, Sta,Cruz, Manila.laban sa mga pulis na sina Patrolman Kenneth Cordova,Corporal Johndee Toledo, Pat Danny Rangaig, Staff Sgt. Jeffrey Mejia, Cpl Jigie Azores at Cpl Kevin John Villanueva.
Batay sa reklamo, habang ang biktima at mga kaibigan nito ay nakatambay at nagkukuwentuhan sa Luzon St, sa Barangay 314 Sta. Cruz, Manila dakong ala-1 ng madaling araw ng Oktubre 14 ay sinita at inaresto sila ng mga nasabing pulis dahil sa curfew hours.
Kasunod nito, kinapkapan sila at ang isa sa kasamahan nila ay sinasabing nakuhanan ng pipe na gamit sa iligal na droga.
Dinala sa Padre Algue Police Community Precinct ang mga ito at doon ay sinabihan na magprodyus ng pera upang makalaya.
Nagawa ni Laniog na isangla ang kaniyang motorsiklo at kuwintas kaya nakapagbigay umano siya ng P47,000.00 .
Nang malaman ni Lt. Colonel Magno Gallora, hepe ng TMRU ng MPD-Station 2 ay pinagharap at positibong kinilala ni Laniog ang mga suspek.
Agad namang dinisarmahan ang anim na pulis at ipinosas bago itinurn-over sa MPD-General Assignment and Investigation Section para sa kaukulang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo. VERLIN RUIZ
831635 112399I was suggested this website by my cousin. Im not confident whether this post is written by him as no one else know such detailed about my trouble. You are wonderful! Thanks! xrumer 949114
364923 304323It is a shame you dont have a donate button! Id most certainly donate to this outstanding web site! I suppose inside the meantime ill be pleased with bookmarking and putting your Rss feed to my Google account. I appear forward to fresh updates and will share this blog with my Facebook group: ) 895937
468966 277626Aw, it was an really great post. In thought I would like to set up writing comparable to this additionally – taking time and actual effort to create a very great article but exactly what do I say I procrastinate alot and also no indicates manage to go done. 87911
737294 284117building websites is not only enjoyable, but it can also generate an income for yourself;; 484195