(Sangkot sa SAP anomaly) 200 BRGY OFFICIALS SINUSPINDE, KINASUHAN

Eduardo Año

MAHIGIT 200 opisyal ng barangay na sinasabing sangkot sa ma-anomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP)  sa kasagsagan ng  COVID-19 pandemic ang kinasuhan at sinuspinde.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, umaabot sa  183 barangay chairman ang nahaharap ngayon sa kaso habang 89 sa kanilang ang pinatawan ng suspensiyon dahil sa SAP.

Ani Año, ang Office of the Ombudsman ang siyang maglalabas ng preventive suspension orders laban sa mga barangay chairman dahil sa nakitang probable cause sa umano’y malversation, estafa, korupsiyon at katiwalian.

Iniulat pa ng kalihim, nakatanggap ang DILG ng 781 complaints, na kinasasangkutan ng 1,259 barangay officials na kung saan ang 363 dito ang iniimbestigahan ng ahensiya.

Sa mga nasabing kasong inihain, 266 dito ang isinampa sa fiscal habang 29 ang ini-refer sa local courts at ang iba naman ay sa tanggapan ng Ombudsman.

Mga kasong paglabag sa Republic Act 3019 of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, RA 6713 Code of Conduct and Ethical Standards, at Bayanihan to Heal as One Act ang isinampa laban sa mga barangay chairman.

Habang ang iba ay sinampahan ng robbery extortions at grave threats.

Bukod pa rito, nagpalabas din ng show-cause orders ang DILG laban naman sa  sampung mayors dahil sa wala sa kanilng mga munisipalidad nang manalasa ang Super Typhoon Rolly. VERLIN RUIZ

Comments are closed.