PUMAYAG na ang mga airline na gamitin ang Sangley Airport sa Cavite para sa general aviation, freight turboprop operations, at commercial turboprop operations, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sa pahayag ng DOTr, ang paglilipat ng general aviation, gayundin ng freight at commercial turboprop operations, ay isasagawa sa sandaling maitayo na ang airport infrastructure.
“Additionally, general aviation users will be notified to fully relocate in a year’s time to Clark International Airport in Pampanga and Sangley Airport to help decongest the Ninoy Aquino International Airport (NAIA),” anang ahensiya.
Ang general aviation ay ang operasyon ng civil aircraft bukod sa commercial air transport.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, ang hakbang ay magpapaluwag sa apat na terminals ng NAIA.
Si Tugade ay nakipagpulong sa mga kinatawan ng mga airline upang masiguro ang pagbubukas ng Sangley Airport sa lalong madaling panahon tulad ng ipinag-utos ni Presidente Rodrigo Duterte.
“It was a productive and mutually beneficial meeting. Airlines expressed their willingness and commitment to support the gov-ernment’s thrust to utilize Sangley Airport. This is a solid demonstration of their trust and confidence in the administration of Presi-dent Duterte,” anang kalihim.
Ang mga airline ay lalagda sa pledge of commitment and support sa Hunyo 24, 2019, upang ipakita ang kanilang kooperasyon sa hakbang ng pamahalaan na matugunan ang problema sa aviation.
Si Tugade ay sinamahan sa miting nina Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, Civil Avia-tion Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco, Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla, Michael Tan ng Philippine Airlines, Lance Gokongwei ng Cebu Pacific, at Capt. Dexter Comendador ng AirAsia.
Comments are closed.