(Sanib-puwersa ng PNP-DILG-DFA at USA) P520-M TRAINING CENTER VS TERRORISM ITATAYO

terrorist

CAMP CRAME – BILANG bahagi na mas malalim na pagsasanib-puwersa laban sa terorismo, pumasok sa kasunduan sina Secretary of Foreign Affairs Teodoro L. Locsin Jr., Interior Secretary Eduardo Año, Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Alba­yalde at U.S. Ambassador to the ­Philippines Sung Kimpara sa pagtatayo ng state-of-the-art Regional Counterterrorism Training Center sa Filipinas.

Ang Estados Unidos at Philippine government ay magtatayo at mag-o-operate ng center sa PNP Academy sa Silang, Cavite.

Aabot sa P520 million o $10 million ang ibinuhos ng US para sa counterterrorism partnership upang maitatag ang center.

Kapag naitayo ang center, ituturo roon ang counterterrorism training for law enforcement units at personnel mula sa Filipinas at sa regional partner nations.

Ang inisyatibo ay pagtugon sa hiling ng PNP para sa state-of-the-art facility na magbibi­gay ng pagsasanay upang labanan ang terorismo.

Ito rin ang suporta ng Estados Unidos sa Filipinas para labanan ang terorsimo at bigyan pansin ang mga banta sa peace and security sa rehiyon. EUNICE C.

Comments are closed.