SANTINO’S SUPREME SLICE NAGBUKAS NG IKA-340 TINDAHAN SA ORMOC

santinos

HINIMOK ng mga may-ari ng Santino’s Supreme Slice na samantalahin ng mga parokyano ang kanilang handog na supreme slice pizza sa halagang P28 lamang.

Huwag na anilang maghintay at tikman ang kanilang bagong bukas na Santino’s Supreme Slice’s  na ika-340 tindahan sa 2nd floor ng Robinsons Place sa Ormoc.

Excited na ang kanilang fans noong araw na nagbukas at nakapila na lahat para matikman ang bagong supreme goodness sa bawat kagat ng bagong pizza ng bayan.

Naroon sa pagbubukas sina Mrs. Wamah Laida Mansueto at  Mozart Mansueto, the brand’s dealer partners kasama ang vibrant team ng Santino’s Supreme Slice at ang leasing officers  na sina Sarah Jane Lucañas (Leasing Assistant) at Ms.  Mary Michael Cantago (Senior Leasing Officer).

Sa pagpapatuloy ng Santino’s Supreme Slice sa pagpapalawak sa buong bansa, naglunsad din sila ng kanilang Battle Of The Supreme: Team Pineapple vs. Team Anti-Pineapple Campaign, para malaman kung aling supreme pizza slice fans ang tunay na nakatutok. Isang supreme slice na may pineapple o wala ng pineapple. Maging bahagi ng Battle of the Supreme sa pagsunod sa kanilang  Santino’s Supreme Slice official facebook page.

Ang Santino’s Supreme Slice ang pinakamabilis na lumagong pizza kiosk chain sa Pilipinas. Kung interesado sa negosyo, Supreme business, kumontak sa hotlines: Manila (02) 411-9444; Cebu (032) 520-8811, Davao (082) 295-7943 or 0925-511-9444. Para sa iba pang supreme updates, i-like at sundan ang kanilang official facebook page face-book.com/SantinosSupremeSliceOfficial

 

Comments are closed.