Ni NENET L. VILLAFANIA
Parada sa karagatan habang dala ang imahe ng Sto. Niño ang simula ng makulay n aumaga ng January 6 taon-taon sa Ternate, Cavite. Tuluy-tulot ito hanggang gabi, kung saan ipuprusisyon naman sa kalsada ang imahe, na magtatapos dakong alas-sais ng hapon sa simbahan. Kasama sa selebrasyon ang karakol at street dancing, habang nakasoot ng magaganda at makukulay na costume ang mga kasaliu sa parada, na sinasaliwan naman ng bandang musiko.
Sa maliit, tahimik at makasaysayang bayan ng Ternate sa lalawigan ng Cavite, itinatangi ang imahe ng Holy Child Jesus na mas kilala sa tawag na Santo Niño de Ternate. Ito ang pinakamainit na debosyon sa nasabing lalawigan, kaakibat ang Virgen de la Soledad de Porta Vaga ng Cavite City, Santa Maria Magdalena ng Kawit, San Agustin ng Tanza, Virgen de Candelaria ng Silang, Virgen del Rosario de Caracol ng Rosario, San Isidro Labrador ng Ligtong, at Virgen del Pilar ng Imus.
Matibay ang debosyon ng mga Ternateños, kasama pa ang mga tradisyong nakamulatan na at sinusunod sa loob ng halos 500 taon.
Kakaiba ang imahe ng Santo Niño de Ternate kumpara sa iba pang Santo Niño sa bansa tulad ng Santo Niñode Cebu at Santo Niño de Binondo. Ang Santo Niño de Ternate ang tanging imaheng ang mga mata ay nakaaakit sa mga mananampalataya. Yari ito kahoy sa estilong de tallado (detailed), ngunit maaaring palitan ang kanyang kasootan sa anumang nais ng lahat. Kaya naman ang mga mananampalataya ay nagreregalo ng damit sa nasabing santo bilang pasasalamat.
Ang imahe ay may korona at setro, at hawak na globus cruciger na sumisimbulo sa kanyang kapagyarihan sa kabuuan ng mundo bilang Hari ng mga Hari.
Sinasabing nagmula ang nasabing imahe sa Mollucas (bahagi na ngayon ng Indonesia) noong 1513. Unang nasakop ng mga Portuges ang Moluccas na tinatawag ngayong Spice Islands. May isang bayan dito na Ternate ang pangalan.
Sa sinasabing bayan ng Ternate sa Mollucas ay nagtatag si Saint Francis Xavier ng isang komunida na Kristiyano. Si Saint Francis Xavier ay isang Portugese Jesuit Missionary.
Noong 1574, nagrebelde ang mga Kristyanong Mollucans laban sa mga Portuges dahil sa pangit nilang pamamalakad. Nang magsanib ang trono ng Espanya at Portugal dahil kay Haring Felipe II, mga Kastila naman ang sumakop sa Mollucas noong 1606, at nagtagumpay silang masakop ang Ternate, Moluccas. Gayunman, napilitang umalis ang mga Kastila dahil kailangan nilang magtungo sa Maynila. Bilang pabuya, binigyan ang mga Kastila ng napakalaking lupain sa Maragondon, kung saan tinawag naman nilang Ternate bilang pag-alala sa lugar kung saan sila nagmula. Nasa kalagitnaan man sila ng mga Tagalog, nanatiling Kastila ang lenggwaheng ginagamit sa Ternate dahil ipinagbawal sa nasabing lugar ang pagsasalita ng ibang lenggwahe. Nanatili ang traisyong ito hanggang late ‘70s, kung saan maging mga Tagalog na naninirahan sa nasabing lugar ay natuto na ring magkastila.
Sa pagdating Mardica sa bagong Ternate noong 1663, pitong lahi ng Mardica ang kasama, pati na ang inahde ng Santo Niño. Ang nasabing mga lahi ay ang pamilya nina Nino Franco, Esteibar, Pereira, Ramos, dela Cruz at Nigoza. Naitayo ang simbahan noong 1692 at naiayos na rin sa pedestal ang imahe ng Santo Niño.
Sinasabing milagroso ang nasabing imahe, at ang mga kahilingan ay talagang napapagbigyan kaya naman dinarayo ito ng mga deboto.
Noong 1769, inihayag ng Arsobispo ng Maynila ang pagdarasal ng isang “Ama Namin” at isang “Aba Ginoong Maria” sa harapan ng imahe ng Santo Niño de Ternate ay maituturing na indulhensya.
Noong 1692, itinayo ang simbahang bato sa pamumuno ni Padre Antonio de Borja, Heswitang pari.
Noon namang 1700, naging visita of Maragondon ang Ternate ngunit hindi ang simbahan. Kaya noong 1845, ipinagawa uli ang simbahan, na nawasak naman noong 1899 dahil sa Spanish-Filipino revolution.
Taong 1906, ipinagawa uli ang simbahan ng Ternatedahil walang natira dito liban na lamang sa imahe ng Santo Niño de Ternate. Sa loob ng 30 taon, pinabayaan ang nasabing simbahan dahil tinamaan ng bato ang pa ani Manila Archbishop Jeremiah James Harty, habang nagsasagawa ng pastoral visit. Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay nanatili ang Simbahan ng Ternate at ang imahe ng Sto. Niño sa kanyang altar.
Mula nang dalhin sa Cavite ang imahe ng Sto. Niño, napakaraming traisyon ang nagsimula sa nasabing bayan. Isa na dito ang Baña de Santo Niño de Ternate, opagpapaligo sa Holy Child Jesus of Ternate, na sinimulan mula pa noong 1663. Isa itong taunang tradisyon na ginaganap tuwing uling araw ng Disyembre – ang bisperas ng Bagong taon.
Ginagawa ang pagpapaligo bilang paghahanda sa kapistahan sa Enero 5 at 6. Matapos paliguan, papalitan ang damit ng Sto. Niño. Pinaniniwalaang ang tubig na ginamit sa pagpapaligo ng Sto. Niño ay nakagagamot sa kahit anong karamdaman. Inilalagay sa maliliit na botelya ang mabangong tubig na ipinampaligo sa Sto. Niño at ipinamimigay sa mga mananampalataya.
Ang imahe ng Santo Niño de Ternate ay isa sa pinakamahalagang historical treasures ng Cavite, dahil ang debosyon dito ay kasabay na ng kasaysayan ng lalawigan.