SANTOS, 2 PANG AFP OFFICIALS ANGAT SA RANGGO

MGEN-Felimon -Santos-Jr

CAMP AGUINALDO-NASUNGKIT na ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff. Gen. Felimon Santos Jr. ang ikaapat na star nang isabit ito  sa kanya ni Defense Secretary Delfin Lo­renzana sa seremonya sa Department of National Defense (DND).

Sinundan ito kahapon ng donning of rank para sa tatlong senior officers ng AFP na kinabibilangan nina Major General Ro­berto Ancan, ang Commander ng Central Command na ginawang Lieutenant General.

Habang ang pinuno naman ng AFP Civil Relation Service na si BGen. Ernesto Torres ay itinaas sa ranggong major general.

Si Maj Gen Ernesto Torres na dating commander ng JointTask Force Haribon at  Deputy Commander ng AFP- Eastern Mindanao Command ay miyembro ng PMA “Makatao” Class of 1989.

Naitala naman sa kasaysayan si Navy Captain Luzviminda Camacho, na kauna-unahang  female Chief ng AFP Office for Legislative Affairs ng itaas ito sa ranggong Commodore.

Si Camacho ang kauna-unahan ding female Commodore sa Philippine Navy.

Samantala, tinanggap naman ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Gilbert Gapay ang 74 na mga bagong junior officers na nagsipagtapos ng Officer Preparatory Class na ginanap sa Camp O’ Donnell, Capas, Tarlac.

Ang  “Salinlahi” Class 70-2019, ay binubuo ng 14 female at 60 male officers ay pinanumpa ni Gapay. VERLIN RUIZ/REA SARMIENTO

Comments are closed.