SANTOS AT CABAGNOT NAGPAKITANG-GILAS

on the spot- pilipino mirror

KAPWA nagpasiklab sina dating Beermen Arwind Santos at Alex Cabagnot sa kanilang mga unang laro sa kani-kanilang bagong team.

Bagaman talo ang kanilang mga team sa magkahiwalay na araw ng laro ay taas-noo ang mga beteranong player na tulungan ang kanilang mga bagong koponan.

Ang Northport Batang Pier ay natalo sa Alaska Aces at nabitin lang sa oras, habang ang Terrafirm Dyip ay nabigo sa Phoenix Super LPG Fuel Masters.

Sina Arwind at Cabagnot ay mga top scorer sa kani-kanilang team. Isang puntos lang ang lamang ng Aces sa Batang Pier. Ipinakita lamang ng dalawa na puwedeng-puwede pa sIlang makipagsabayan. Kahit 39 na si Spiderman at 37 si Cabagnot ay  pa ring kupas ang kanilang mga kamay pagdating sa  three-point area .

vvv

Nahiya si Robert Bolick kay Arwind Santos dahil mas maganda ang laro ng beteranong player kumpara sa kanya. Mukhang sobrang na-excite ang dating player ng San Beda  kaya 8 points lang ang kanyang nagawa.

Dati rati ay double digit ang nagagawa ni Bolick Pero sa unang araw ng PBA Governors’ Cup ay bumaba ang laro niya.

vvv

Congrats kay Thirdy Ravena at kinuha itong endorser ng Isang kompanya ng  gatas sa Japan. Nakalagay ang picture ni Ravena sa naturang fresh milk.

Pagkatapos ng dalawang game suspension ay balik laro na ang batang Ravena para sa kanyang team na San En Neophoenix.

vvv

Posibleng payagan na ng PBA na makapanood ng live ang fans ng liga. Hinihintay na lang ang sagot ng LGUs ng QC at Pasig. Ang IATF ay pumayag na sa panonood ng live ng PBA fans basta fully vaccinated ang mga ito. Ang Araneta Coliseum ay may capacity na 20,000 at puwedeng papasukin kahit kalahati.

Ang good news dito ay pipilitin ng PBA na ngayong  Disyembre 15 ay makapagsimulang makapanood ang fans ng live at bonus pa na kalahati lang  ang bayad sa tcket.