ILANG PBA players, kabilang sina San Miguel Beer stalwarts Alex Cabagnot at Arwind Santos, ang mapapaso na ang kontrata sa August 31.
Ayon sa PBA, ang iba pang players na mag-eexpire na ang kontrata ay sina Alaska’s Jeron Teng, Blackwater’s Carl Bryan Cruz, NorthPort’s Paolo Taha, Magnolia’s Rome dela Rosa, Meralco’s John Pinto at Nico Salva, at Phoenix’s Dave Marcelo at Jake Pascual.
Nakabitin pa ang renewal ng kanilang mga kontrata dahil sa COVID-19 pandemic na nagpahinto sa liga magmula noong March 11.
Nagkasundo ang PBA Board of Governors noong Mayo na suspendihin ang transaksiyon ng sinumang manlalaro, kabilang ang pagpapapirma sa free agents, sa panahon ng lockdown.
Gayunman ay kailangan nilang papirmahin ang mga player sa loob ng limang araw matapos na magbalik sa praktis, kung hindi ay magiging unrestricted free agents sila.
Hinihintay pa ng liga ang tugon ng Inter-Agency Task Force at ng Department of Health sa isinumite nitong protocols para sa pagbabalik sa ensayo ng mga koponan noong nakaraang linggo.
Nauna nang sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na kapag pinayagan sila ng pamahalaan, ang mga koponan ay maaari nang magbalik sa small group training sessions sa July at maaari nang makipagnegosasyon ang mga koponan sa kanilang players na mapapaso na ang kontrata.
Comments are closed.