SANTOS IPINAMIGAY SA NORTHPORT KAPALIT NI MANUEL

DINALA ng NorthPort Batang Pier si Vic Manuel sa San Miguel Beermen kapalit ni Arwind Santos.

Ang trade ay naganap  48 oras makaraang kunin ng NorthPort ang 34-anyos na si Manuel at si wingman Michael Calisaan mula sa Phoenix noong Biyernes. Bilang kapalit, napunta sa Fuel Masters sina Sean Anthony, ang 2019 top Defensive Player, sophomore Sean Manganti, at ang 2021 second round draft pick.

Si Santos, kinuha ng Air 21 sa first round (2nd overall) ng 2006 Annual Draft, ay nagwagi ng siyam na kampeonato sa Beermen.

Itinanghal siyang  MVP noong 2013 at Finals MVP sa 2011 Governors’ Cup at  2015 Philippine Cup.

Samantala, si Manuel ay maglalaro sa kanyang ika-6 na koponan sa PBA magmula nang umanib sa liga noong 2012.

Ang trade ay aprubado ng  PBA Commissioner’s Office.