SANYA LOPEZ ANG BAGONG DARNA

SANYA LOPEZ

HABANG mainit na pinag-uusapan sa apat na sulok ng showbizlandia kung sino ang gaganap na Darnastar mirror nang umatras si Liza Soberano dahil sa pagkabali ng buto ng kanyan daliri na nangyari noong nagte-taping siya ng isang eksena sa “Bagani” ay isang baguhang sexy aktres ang napipisil ngayon ng Kapamilya network.

Ang twist ng balita ay wala kina Jessy Mendiola, Nadine Lustre at Maja Salvador to name a few ang napili kundi magmumula ito sa Kapuso network at ito ay walang iba kundi si Sanya Lopez.

Ayon sa aming source na isang insider ng GMA-7 ay ongoing na ngayon ang pag-uusap ng ABS-CBN’s Star Cinema at Kapuso para sa isang kolaborasyon at ito nga ang “Darna” na ang exclusive talent ng GMA 7 na si Sanya ang gaganap ng Darna base sa sigaw ng madlang pipol.

Sa isang interview, inamin ni Sanya kung gaano siya ka-loyal sa Kapuso kaya kung ano man ang plano sa kanya ay susundin nito.  Nagpapasalamat siya sa mga taong naniniwala na kaya nitong gampanan ang pagiging “Darna” na pangarap na niyang ma­gampanan noong nanga­ngarap pa siyang pasukin ang pag-aartista.

Tiyak na matutuwa si Lea Salonga sa kaganapang ito dahil ang gusto nitong gaganap na Darna ay isang morenang aktres na katulad ni Sanya.  Kung siya ang masusunod ay isang baguhan ang gusto nitong gaganap dahil ang gusto nitong mangyayari ay ang pelikula ang ibebenta at hindi ang aktres na gaganap nito at nasunod nga ang gusto ng ating Broadway actress dahil maliban sa mo-rena si Sanya ay baguhan lang ito sa showbiz.  At isa pa, medyo kahawig nito si Anjanette Abayari na isa rin sa mga guma­nap na Darna ilang taon na ang nakalipas.

SHAINA MAGDAYAO SIGURADO NA ANG PAGIGING KAPUSO 

SHAINA MAGDAYAOKASUNOD ito sa a­ming naisulat tungkol sa nabalitang suportado ng pamilya ang planong paglipat ni Shaina Magdayao sa GMA-7 na ayon sa a­ming source na taga- Kapuso ay pinag-uusapan na diumano ang paglipat ng Kapa­milya actress.

Well, now it can be told, si Shaina ang tinutukoy sa blind na Kapamilya aktres na may planong mag-‘ober da bakod’ na may kapatid na isa ring aktres.  Base sa interview sa nakatatandang kapatid ni Shaina ay pinabulaanan nito ang nasabing plano ng kapatid pero nilinaw naman nito na sumusuporta ang kanilang pamilya sa mga desisyon ng aktres kung para ito sa ikakaganda ng karir nito.

Nilinaw nito na wala umanong nabanggit si Shaina na lilipat ito sa kabilang network kasi ang pangyayaring ganito ay pinagmimitingan  ng kanilang pamilya, pero so far daw ay wala silang napag-usapan.

Ang alam nito ay may mga project pa ito sa ABS-CBN at may mga show sa abroad dahil may existing contract pa raw ito.

Nataong noong naganap ang interbyu ay nasa USA si Shaina kasama si Erik Santos para magtanghal sa Pinoy communities doon nang kumalat ang blind item na may isang aktres na may kapatid na isa ring aktres ang nababalitang lilipat sa GMA-7 na maliban kay Alex Gonzaga ay isa rin si Shaina sa pinag-iisipang lilipat na ngayon ay kinumpirma ng isang Kapuso insider ang balita.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *