THANKFUL si Kapuso actress at Calendar Girl Sanya Lopez, na muli siyang mag-aaksyon. After niyang gumanap na isang Sang’gre, si Reyna Danaya, sa epic serye na “Encantadia” sa GMA Network noong 2017, nagkasunud-sunod na ang paggawa niya ng mga drama series, pinakahuli ang “Dahil Sa Pag-ibig.”
Natuwa rin naman si Direk Mark Reyes nang malamang papasok na guest si Sanya sa dinidirek niyang “Beautiful Justice” sa primetime telebabad ng GMA-7. Magiging dalawa na raw ang Sang’gre sa serye dahil nandoon na si Gabbi Garcia na gumanap namang Sang’gre Alena sa “Encantadia.”
Masaya si Sanya dahil todo-action siya bilang si PDEA Agent Thea Vasquez at muli raw niyang magagamit ang trainings na ginawa niya noon bilang isang Sang’gre. Ilang gabi ring mapanonood si Sanya sa “Beautiful Justice” after ng “24 Oras.”
FAMILY DRAMA NI AGA BINIGYAN NG GP NG MTRCB
NABIGYAN ng General Patronage ng MTRCB ang family drama na “Miracle in Cell No. 7” ng Viva Films at binigyan din sila ng Grade A ng CEB (Cinema Evaluation Board) kaya sa special screening ng movie na official entry sa coming 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa VIP Cinema sa Fisher Mall last Monday, December 9, nakumusta namin si Director Nuel Naval at scriptwriter na si Mel Mendoza del Rosario kung paano nila nabuo ang story based sa Korean movie na iniyakan na rin ng mga mahihilig manood ng mga Korean movies and dramas, at naidirek ang movie, na mahirap kung tutuusin, dahil kinunan ang kabuuan ng pelikula sa isang kulungan at sino ang pumili ng cast?
“Nang i-offer sa akin ni Boss Vic del Rosario na idirek ang “Miracle in Cell No. 7,” hiningi ko ang approval niya na ako ang pipili ng bubuo ng cast, after maisulat ni Mel ang script,” kuwento ni Direk Nuel. “Hindi ko pinanood ang original story ng Korean movie, dahil ayaw kong masabi na kinopya ko ang mga eksena. Alam kong maraming naging fans ang movie at nagustuhan nila kaya pwedeng hanapin nila iyong mga eksenang napanood nila.
“Pero binigyan naman kami ng right ng Korean producer na gawing Pilipino ang atake ng execution ng story. Isa pa sa ni-request ko kay Boss Vic, ang mag-set up kami ng isang kulungan (cell). Mahirap kasing mag-shooting sa talagang kulungan dahil bukod sa masikip, dapat maprotektahan ang mga inmates doon. Hindi naman tumanggi si Boss Vic, nakakuha kami ng isang malaking studio kaya hindi naging mahirap ang aming shooting.
“Kaya ang pinili ko na makakasama ni Aga Muhlach sa kulungan ay sina Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz at si John Arcilla. Makikita ninyo kung bagay sa kanila ang mga roles na ginampanan nila. At ang introducing na child actress, si Zia Vigor, ang husay-husay niya, parang hindi baguhan. For the special performers, pinili ko sina Tirso Cruz III, Christopher Roxas, Ian de Leon at Epy Quizon.”
Hindi ba sila nahirapang humanap ng kapalit nang mag-back-out si Nadine Lustre as the adult Yesha na ginampanan ni Zia Vig-or?
“Hindi naman, dahil sina Bela Padilla at Nadine Lustre talaga ang nasa list ko na gaganap ng role ni adult Yesha. At napakahusay naman ni Bela at talagang bumagay sa kanya ang role ng isang lawyer na nagtanggol sa kanyang ama.”
Hindi kami magpi-preempt ng mga eksena dahil napakaganda talaga ng movie at mahuhusay lahat ang napili ni Direk Nuel na bumuo ng cast. May sorpresa sa ending kaya huwag kayong bibitiw hanggang sa huli. At bilin namin sa inyo, magdala kayo ng maraming tissue papers.
Tunay na isang family drama ang “Miracle in Cell No. 7” na mapanonood simula sa Christmas day, December 25.
Comments are closed.