SANYA LOPEZ NAKAGUGULAT, NASOBRAHAN ANG PAGKA-DARING

KAGULAT-gulat ang  pagiging daring ni Sanya Lopez sa kanyang masa­sabing launching movie na “Wild wallfaceAnd Free”.

Isang Sanya Lopez na palaban at nakipagsabayan sa sexy love scene kasama si Derrick Monasterio. Sa trailer pa lang ng naturang movie ay kitang-kita na kung paano naging daring si Sanya sa kanyang karakter sa naturang pelikula.

Sa panayam kay Sanya, sinabi nito na hindi naman daw ganu’n kadali sa kanya na gumawa ng maselang love scene lalo pa nga’t hindi pa niya nasubukan ang magkaroon ng karelasyon. Masaya naman daw si Sanya sa kinalabasan ng kanyang first ever daring movie at hindi raw niya pinagsisihan ang naging desisyon niyang gawin ang pelikula nila ni Derrick. Matagal na rin daw niyang kilala si Derrick at alam ni Sanya na safe na safe siya sa actor lalo pa nga’t kaibigan ito ng kanyang kapatid na si Jak Roberto.

Tsikang dahilan sa hindi naman daw nakikialam ang magkapatid sa kanya-kanyang diskarte pagdating sa kanilang showbiz karir, nagulat daw si Jak nang mapanood ang trailer ng daring movie ng kapatid at hindi raw nito nagustuhan ang naging move ni Sanya?

Say naman ni Sanya, nagkausap daw sila ni Jak at suportado rin naman daw siya nito at sa katunayan pa nga raw isasama raw ng kanyang kapatid sa pana­langin na sana ay tangkilikin ang kanyang pelikula.

HEART EVANGELISTA NAGPA-TATTOO

HEART EVANGELISTAISA sa magandang katangian ni Heart Evangelista ay ang pagiging maingat niya at maalaga sa kanyang kutis. O ‘di nga ba, tsikang gatas pa ang kanyang pinapaligo.  Kung kaya ma­rami ang nagtaasan ng kilay ng mag-post si Heart ng larawan sa kanyang social media account kung saan ay nasa isang tattoo shop siya kasama ang ilan sa magagaling na magta-tattoo ng bansa.

Nagpa-tattoo nga si Heart. Isang maliit na puso na nakaukit sa bandang baba ng kanyang kaliwang braso, na kung pagmamasdang mabuti ay tila isang butil lang ng bigas ito na korteng puso.

Pero ayon naman sa actress, hindi naman daw ganu’n kadali para sa kanya na magpa-tattoo. Kaya nga lang nanaig ang kanyang kagustuhan na magkaroon din ng kahit maliit man lamang.

Sa kanyang social media account ay sinabi ni Heart ang katagang ito: “not the type but I always wanted a little, little one, -@iamhearte”

Comments are closed.