TRUE kaya ang tsikang kinokonsidera diumano ng Star Cinema na si Kapuso young actress na si Sanya Lopez ang ipalit sa nag-back out na si Liza Soberano para sa pelikulang “Darna” ng Star Cinema?
Nang lumabas ang edited photo ni Sanya na naka- Darna costume sa internet, marami agad ang nagrekomenda na si Sanya na lang ang gumanap na Darna at nasa katangian ni Sanya ang maging isang Pinay superheroine dahilan na rin sa morenang kulay niya, tangkad, ganda at liksi ng kilos at kaseksihan.
Kung matatandaan ay marami pang pumuri kay Sanya nang gumanap siyang bilang isang Sanggre sa “Encantadia” remake. Hindi malambot ang kilos niya sa mga maaksyong eksena. Puwede namang kunin ng Star Cinema ang serbisyo ni Sanya kahit isa itong Kapuso dahil ang “Darna” ay isang movie at hindi teleserye.
‘Yan ay kung kukunin nga ng Star Cinema ang serbisyo ni Sanya at papayagan ng GMA7. At nang matanong naman si Sanya hinggil sa tsikang ito kung sakaling totoo, sinabi ni Sanya kung anuman ang desisyon ng pamunuan ng Siyete ay susunod lang si Sanya.
Nagpasalamat naman si Sanya sa mga taong naniniwala sa kanyang kakayanan gumanap bilang si Darna at pangarap din daw ng actress na lumabas bilang isang Pinay superheroine.
Ilan pa sa mga pangalan na napipisil ng netizens na lumabas bilang si Darna ay sina Gabbi Garcia, Kylie Padilla at Glaiza de Castro, lahat sila ay naging Sanggre sa remake ng “Encantadia”.
DEREK RAMSAY MAGRE-RETIRE NA KAPUSO
PARA kay Derek Ramsay ay nasa last stage na siya ng kanyang pag-aartista, as in first step daw ay pag-uumpisa niya bilang isang Kapuso nang maging host sa isang segment ng “Eat Bulaga.”
Nagpatuloy siya bilang isang Kapamilya at lumipat sa TV 5 pagkatapos. At nang mawala ang entertainment side sa TV 5, ay bumalik na si Derek sa Kapuso Network. Say nang actor, full cycle na raw ang kanyang nagawa sa mga mainstream TV station kung kaya sa pagbabalik sa Siyete ay nakikita na niya ang sarili na sa Kapuso na siya magre-retire sa showbiz.
Mula sa mga maaksyong teleserye na ginawa ni Derek sa TV 5 bago siya lumipat sa Siyete, ay isang heavy drama naman ang unang gagawin ni Derek. At dahilan sa matagal-tagal na rin naman siyang hindi napasabak sa soap opera na madrama ay excited na ang actor na magsimula na ang taping ng kanyang first teleserye sa Siyete na ang leading lady niya ay si Andrea Torres, ang “The Better Woman”.
Knows ni Derek na nalilinya rin ang GMA-7 ng gumawa ng mga fantaserye kung kaya isa sa wish ni Derek ay makalabas sa ganitong genre. O ‘di ba, miss agad ni Derek ang pagiging “Kidlat” niya sa TV5?
Comments are closed.