SANYA LOPEZ SUNOD-SUNOD ANG BLESSINGS

ALL dress in white and sexy nang dumating si Sanya Lopez sa awards night ng nakaraang 35th Star wallfaceAwards for Movie  ng Philippine Movie Press Club, Inc. na ginanap sa Resort World Manila, last June 2, Sunday.

Halos hindi makapaniwala si Sanya na siya ang tatawagin winner sa kategoryang “Best New Movie actress’ para sa movie nila ni Derrick Monasterio na “Wild And Free”. Ilan kasi sa kinabog ni Sanya ay ang ilan sa magagaling din nating mga young actress tulad ni Heaven Peralejo sa “Harry and Patty”, Winwyn Marquez para sa “Unli Life”, Garie Concepcion sa “The Lease” at marami pang iba.

Say ni Sanya, hindi niya talaga inaasahan na siya ang mananalo kung kaya ganun na lang halos ang labis-labis niyang pasasalamat. Hindi rin akalain ni Sanya na magsusunod-sunod ang mga magagandang nangyayari sa kanyang showbiz career, ngayon ay patuloy pa rin humahataw sa rating ang “Dahil Sa Pag-ibig” nila ni Benjamin Alves, Pancho Magno at kasama pa rin ang isa sa nakalaban ni Sanya sa best new movie actress na si Winwyn.

SEN. BONG REVILLA MALAKAS PA RIN ANG HATAK NG SHOWBIZ WORLD

FIRST time after manalo bilang senador ng bansa si Sen. Bong Revilla Jr.,  dumalo siya sa Awards night ng 35th Star Awards for Movie ng PMPC, kung saan ay siya ang kasa-kasama ng kanyang ama na si da­ting Sen. Ramon Revilla, Sr. na isa sa 12 recipients ng “Natata­nging Bituin ng Siglo” kung saan kasama sina Nora Aunor, Vilma Santos, Eddie Garcia, Niño Muhlach, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Anita Linda, Gloria Romero, Susan Roces, Joseph Estrada at Philip Salvador.

Halatang-halata ang kasiyahan sa mukha ni Sen. Bong nang dumating sa venue. Sa katunayan, kahit naka-wheel chair ang ama ay isa sila sa maagang dumating noong gabing iyon. Kauna-unahang dumating si Eddie Garcia, sinundan ni Gloria Romero at si Sen. Ramon Revilla, Sr.  Hindi man masyadong nakapanayam ay kitang-kita naman sa aura ni Sen. Bong na talagang hinding-hindi niya kayang iwan ang mundo ng showbiz kahit pa magiging super busy siya ngayon bilang isang senador.