SAP 2 CASH AID DISTRIBUTION TULOY PA RIN, P83.1-B NAIPAMAHAGI NA NG DSWD

DSWD

TULOY-TULOY pa rin ang pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang noong Miyerkoles ng gabi, Setyembre 23, ay umabot na sa kabuuang 13,907,374 pamilyang benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong pinansiyal.

Dahil dito ay umabot na sa P83.1 bilyon ang naipamahagi ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.

Ayon sa DSWD,  tuloy pa rin ang pamamahagi ng subsidiya sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga ‘waitlisted’ o karagdagang mga pamilya, para matiyak na mabibiyayaan ang lahat ng mga nangangailangang Pinoy na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Comments are closed.