SAPAT, MAAASAHAN AT ABOT KAYANG KORYENTE NAPAPANAHON NA

KASABAY  ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine, inaasahan na ang singil sa koryente ay sisipa rin sa mga susunod na buwan.

Bukod sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mataas na singil sa koryente, kinakaharap din natin ang kakulangan sa suplay nito ngayong tag-init na maaaring sumabay rin sa nalalapit na halalan.

Kaya naman sang-ayon ako sa mga ibinahaging plano ni presidential candidate na si Bongbong Marcos (BBM) na pasiglahin at palakasin ang power generation, transmission at distribution sector upang masiguro ang paghahatid ng sapat, maasahan at abot-kayang koryente para sa lahat.

Sa kanyang BBM Vlogs inihayag niya ang kanyang planong paramihin ang mga power plant sa bansa sa tulong ng pribadong sektor at gamit ang iba’t ibang teknolohiyang na nababagay sa ating bansa tulad ng geothermal, hydro, solar, wind, solar, large scale battery storage at pati na din nuclear.

Ani BBM, “Ang ating geographic location, ang ating natural resources, physical assets katambal ng teknolohiya ay nagsasabing hindi tayo dapat mawawalan o magkulang ng enerhiya. Kaya dapat aralin at gamitin natin.”

Gaya ng sabi ni BBM, hindi dapat tayo masyado umasa sa ibang bansa para sa ating mga pangangailangan. Kinalaunan, mas mabuti ito para sa ating bansa.

Isang halimbawa ay ang pagtatayo ng mga large scale battery storage facility kung saan puwedeng itabi ang nakokolekta koryenteng mula sa mga wind at solar farm na maaaring gamitin at itayo sa mga bayan o probinsya na hindi kayang maabot ng impraestruktura tulad ng mga linya ng transmission at distribution.

Bukod sa power generation sector, maganda rin ang plano ni BBM na palakasin, pasiglahin at i-professionalize ang mga electric cooperative sa mga probinsya. Gaya ng Iloilo, ibinahagi ni BBM na bumaba ng halos tatlumpung porsyento ang singil sa kuryente. Nasiguro rin ang paghahatid ng sapat at abot-kayang koryente sa mga konsyumer.

Kailangan talagang palakasin at i-professionalize ang ating mga electric cooperatives. Balita kamakailan na mas mataas ang antas ng serbisyo at mas mababa ang singil sa Maynila na halos 9 pesos kada kilowatt-hour lamang kumpara sa 12 pesos na singil sa Iligan at halos 14 pesos sa Misamis Occidental.

Heto pa…mas madalas ang brownout sa dako ng Mindanao maski may ilang hydroelectric power plants sa mga naturang probinsya!

Upang tuluyang mapababa ang singil, nais din tignan ni BBM kung paano mapapababa ang presyo ng koryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM para ang pagbili ng koryente ng mga kooperatiba at pribadong distributor ay maging mas mababa rin.

Ang pagpapababa sa singil ng koryente at paghahatid ng sapat at maasahang suplay nito ay daan tungo sa magandang kinabukasan natin. Ang mga mamumuhunan sa lokal at dayuhang kompanya sa ating bansa ay nakakapaglikha ng hanapbuhay para sa milyon-milyong Pilipino.

Bagamat ang lahat ng ito ay mga panukala lamang ni BBM sa industriya ng enerhiya, sana naman ay ipinatupad niya ang mga nasabing plano kung sakaling manalo siya sa nalalapit na eleksiyon. Maaaring hudyat na ito sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas at magiging mas masagana at maganda ang buhay ng bawat Pilipino.