TITIYAKIN na sapat ang suplay ng bigas sa bansa, ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos manalasa ang bagyong Egay.
Sinabi ng Pangulo na pinakamahalaga sa kanya ang bigas.
Kailangan aniya ngayon ng gobyerno na maghanap ng supplier ng bigas para makapagbigay ang National Food Authority ng emergency support.
Ayon sa Pangulo, kailangan din na pag-aralan kung paano mareremedyuhan ang mga gulay na nasira ng bagyo sa Benguet.
Sisiguraduhin aniya na saka lamang mag-i-import kung hindi na stable ang presyo ng mga bilihin.