SAPAT NA CASH SA ATMs PINATITIYAK SA MGA BANGKO SA HOLIDAY SEASON

ATM

INATASAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na tiyakin na may sa[1]pat silang cash sa kanilang automated teller machines (ATM) para sa holidays.

Pinaalalahanan din ng BSP ang mga bangko na siguraduhin na ang online services, tulad ng mobile banking applications, ay magagamit ng mga kliyente.

“These reminders are issued to support the need of consumers for financial transactions amid the recent easing of COVID-19 restrictions and the holiday season,” nakasaad sa advisory ng central bank.

“As the BSP promotes the use of digital payments, the central bank also advises consumers to consistently practice cyber hygiene in carrying out financial transactions,” dagdag nito.

Karamihan sa local lenders ay sarado tuwing holidays, subalit ilang piling sangay ang mananatiling bukas para pagsilbihan ang kanilang mga kliyente.