INAKUSAHAN ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi seryoso sa usapin ng peace talks makaraang kanselahin ang pagpapatuloy ng formal negotiations ngayong buwan.
Subalit sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na nirerespeto ng gobyerno ang opinyon ni Sison at iginiit na ang naging desisyon ng Pangulo ay upang mabigyan pa ng sapat na panahon ang administrasyong Duterte na makakuha ng suporta mula sa publiko kaugnay sa usaping pangkapayapaan.
“It is starkly clear that the GRP (Government of the Republic of the Philippines) under Duterte is not interested in serious peace negotiations with the NDFP (National Democratic Front of the Philippines),” pahayag ni Sison, chief political consultant ng NDFP, na siyang political wing ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
“It was both “disappointing and frustrating” that the Duterte government has unilaterally canceled the scheduled start of the stand-down ceasefire on June 21 and the resumption of formal talks in Oslo, Norway on June 28,” dagdag pa ni Sison.
Kaugnay nito ay hinimok ni Sison ang pamahalaan at NDFP negotiating panels na ilabas sa publiko ang written at signed agreements noong Hunyo 9 at 10 kaugnay sa mga nakatakdang scheduled events.
Ayon kay Sison, interesado lamang ang gobyerno na makuha ang NDFP capitulation sa pamamagitan ng mapanlinlang na pagkakaroon ng indefinite ceasefire agreements at pagsuway sa mga probisyon ng Joint Agreement on the Security and Immunity Guarantees (JASIG) na nangailangang gawin ang formal negotiations sa isang foreign neutral venue.
“Because the GRP under Duterte is obviously not interested in serious peace negotiations, the revolutionary forces and the people have no choice but to single-mindedly wage people’s war to achieve the national and social liberation of the Filipino people,” sabi pa ni Sison.
“He (Sison) is entitled to his own opinion and we respect it. Our purpose in seeking more time is precisely to strengthen and protect the gains achieved so far by both panels in the back-channel talks. It can win public goodwill for the forthcoming resumption of talks,” sabi ni Dureza.
Nilinaw nito na plano ring imbitahan ang Maoist leaders na maging kaagapay ng pamahalaan bilang mga resource persons kaalinsabay ng mga pagkilos para sa malakas na suporta.
Subalit aminado si Dureza na walang espesipikong plano kung paano kukunin ang suporta ng taumbayan para sa peace process. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.