SINIGURO ni House Speaker Alan Peter Cayetano na may sapat na pondo sa ilalim ng P4.5 trillion 2021 national budget para sa bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Cayetano, may sapat na alokasyon ang gobyerno para pambili ng COVID-19 vaccines at sa pagsasagawa ng thera-peutic science research.
Umapela lang ang Speaker sa Inter-Agency Task Force (IATF) na bigyan sila ng tamang impormasyon nang sa gayon ay makapaglaan ang Kongreso ng akmang halaga para sa procurement ng COVID-19 vaccines.
Ang panawagan ni Cayetano ay kasunod na rin ng ulat na ang bansang Australia ay naghahanda na ng US$1.2 billion para sa bakuna.
Bagaman batid ni Cayetano na iba naman ang itatakdang presyo ng mga manufacturer ng bakuna sa developing countries, hindi pa nakasisiguro na mapapabilang ang bansa sa mabibigyan ng mas mababang presyo ng COVID-19 vaccine.
Sinabi pa ng Speaker na nakikipag-ugnayan sila ngayon sa Senado at sa mga cabinet Secretaries upang matiyak na targeted at nakatugon sa COVID-19 ang pambansang pondo sa susunod na taon. CONDE BATAC
Comments are closed.