IPINATITIYAK ng House Committee on Energy Chairman ang electric cooperatives na tiyakin ang tuloy-tuloy at sapat na power supply sa mga probinsya at mga barangay.
Kasabay ng national electrification awareness month at pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng NEA, sinabi ng chairman ng electric cooperatives ang malaking pagbabago at pag-unlad ng rural areas sa tulong ng pagkakaroon ng sapat na suplay ng koryente.
Pinatututukan din ang pagsusuplay ng koryente sa mga barangay at mga malalayong probinsya.
Sa kabuuang 36,057 na mga barangay, 35,065 dito o 99% na ang naabot ng koryente.
Naniniwala ang mambabatas na ang sustainable at efficienct electricity ang daan upang mapalakas ang negosyo, pa-mumuhunan at hanapbuhay ng mga nasa probinsya na magreresulta sa pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
Comments are closed.