CAGAYAN – AABOT sa mahigit sa 1,000 pamilya ang tumanggap ng relief goods makaraang magtungo at nagpamahagi ng tulong si Social Worker Secretary Rolando Bautista sa evacuation centers sa mga biktima ng bagyong si Ramon matapos na manalasa sa lalawigan ng Apayao at lalawigang ito.
Makaraan nito ay pinangako at tiniyak ni Bautista na walang magugtom na mga residente na nasa evacuation centers na naging biktima sa pananalasa nang bagyong Quiel at Ramon.
Sa dalawang araw na pamamahagi ng reliefs goods at financial assistance sa mga sinalanta ng nagdaang bagyo ay bumalik na sa Kalakhang Maynila si Bautista.
Sa pamamalagi ng dalawang araw ni Bautista sa Region 2 ay kinausap niya si B/Gen. Laurence Mina Commander ng 5022nd Infantry Brigade, na bantayan nang maigi ang kanyang nasasakupan lalo na ang bahagi ng bulubunduking lugar kung saan may hinala sila sa mga nagsasagawa ng illegal logging, na siyang nagiging sanhi ng mga pagbaha sa lalawigan ng Apayao at Cagayan.
Sinabihan pa umano ni Bautista si Mina na ipagbigay alam lamang sa kanyang opisina kung kakailanganin ang kanyang tulong.
Kaugnay nito, umabot sa mahigit sa 800 pamilya ang nabiyayaan at nabigyan ng relief goods sa bayan ng Sta Ana, Gonzaga at Sta. Teresita.
Samantala, sinabi ni Mina na mas lalo nilang paiigtingin ang pagbabantay laban sa mga nagsasagawa ng illegal logging lalo na sa bayan ng Sta Ana, Cagayan, kasunod na rin sa mga nakitang malalaking troso mula sa Sierra Madre kasabay ng pananalasa ng bagyong Ramon sa nasabing bayan. IRENE GONZALES
Comments are closed.