CAGAYAN-KUMPIYANSA ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 02 na hindi kakapusin sa suplay ng isda at hindi rin tataas ang halaga ng mga ito sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Regional Director Milagros Morales ng BFAR-Region 02 isang pagpupulong sa pamamagitan ng Virtual Press Conference ang isinagawa na pinangunahan ng Philippine Impormation Agency (PIA) kasabay ng pagdiriwang ng ika- 57th Fish Conservation Week 2020 na may temang ‘’Karagatan ay pangalagaan upang ani ng at kita ay makamtan maging sa pandemyang hamon ng bayan.’’
Ani Morales, patuloy ang pagpapalaot ng mga mangingisda at tuloy-tuloy din ang operasyon ng mga fish cage at fish pond owners.
Gayundin, nagpatayo rin ang BFAR-R02 ng KADIWA para matulungan ang mga mangingisda na maipadala sa iba’t-ibang lugar ang kanilang mga huli.
Tiniyak pa nito na ipagpapatuloy ang mataas na produksiyon sa pamamagitan ng fisher folk at Local Government Unit (LGUs) at kampanya ng BFAR laban sa mga ilegal na pangingisda para masiguro ang sapat na isda sa rehiyon.
Patuloy pa rin ang pagpaparami ng isdang Ludong, kung saan isa ito sa itinuturing na pinakamasarap at pinakamahal na isda sa Rehiyon na makikita at mahuhuli lamang sa Ilog Tabang sa Cagayan River. IRENE GONZALES
Comments are closed.