SAPAT NA SUPLAY NG PAGKAIN

DTI-Sec-Ramon-Lopez

NAGTAYO ang Department of Trade and Industry (DTI) ng command center na titiyak sa tuloy-tuloy na daloy ng mga pangunahing pangangailangan at bilihin, partikular sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ompong.

“Command center is linked with regional directors and with local distributors, and stocks are ready from Manila and possible transfers from other distributors in nearby regions of Regions 3 and 4 to support Regions 1 and 2,” sabi ni DTI Sec. Ramon M. Lopez.

Ayon kay Lopez, siniguro niya sa food ma­nufacturers ng DTI na ang mga suplay sa merkado sapat nang dalawang linggo at aabot pa hanggang dalawang buwan.

Ayon sa Century Pacific Food, Inc. Executive Vice President at Chief Operating Officer na si Greg Banzon, ang mga imbentaryo sa mga lugar na apektado ng bagyo ay aabot hanggang dalawang buwan, habang siniguro naman ni Nestle Philippines Senior Vice President and Head of Corporate Affairs Ernesto Mascenon na may dalawa hanggang apat na linggo na imbentaryo sa mga lugar na apektado.

“Regional and provincial directors and staff gave reports of ample supply, and prices are within SRPs (suggested retail prices) yesterday,” dagdag pa ni Banzon.

Base sa report ng DTI regional and provincial offices, ang presyo ng NFA rice ay nasa PHP72 hanggang PHP32 kada kilogram, regular milled rice at PHP40 kada  kilo, at well-milled rice mula PHP42 hanggang PHP43 kada kilo.

Ang average price ng karneng manok ay nasa  PHP130 kada kilo habang ang presyo ng karneng baboy naman ay nasa PHP200 hanggang PHP220 kada kilo, ani Lopez.

Dagdag pa niya na ang consumer hotline ng DTI na 1-DTI o 1-384 ay bukas ng 24 oras para tumanggap ng reklamo at mga problema sa suplay at presyo ng bilihin. PNA

Comments are closed.