TINIYAK ng Department of Health (DOH) na may sapat na suplay ng gamot para sa mga lugar na matinding hinagupit ng bagyong Rolly.
Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na nagkakahalaga ang mga ito ng P26.50-M.
Dagdag pa ni Duque, maliban sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, naka – code red na rin ang lahat ng ospital sa buong bansa para sa emergency reponse kaugnay ng bagyo.
Pinasisiguro tin ng kalihim sa lahat ng ospital ang kanilang mga generator set at iba pang critical life saving equipment na magagamit sa panahon ng emergency.
Mahigpit ding inatasan ni Duque ang lahat ng provincial offices ng DOH sa mga lugar na mayruong typhoon signal na tutukan ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan at may mga health emergency response teams na ring nakaantabay para sa deployment. DWIZ882
Comments are closed.