NAKIPAGKITA sina Davao City Mayor Sara Duterte at Davao City Representative Paolo ‘Pulong’ Duterte sa tatlong kongresista na tuma-takbo bilang House speaker.
Ayon kay Paolo Duterte, naging maayos at maganda ang kanilang pakikipag-usap kina Rep. Martin Romualdez, Rep. Lord Allan Velasco at Rep. Alan Peter Cayetano kung saan tinalakay nila ang mga usaping may kinalaman sa pag-unlad ng bansa.
Naganap ang nasabing paghaharap matapos ianunsiyo ni Pulong ang pag-atras sa speakership race sa Kamara.
Una nang sinabi ni Pulong na nagdesisyon siyang huwag nang ituloy ang planong pagtakbo bilang House speaker makaraang makausap ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes.
Ayon sa Pangulo, marami pang paraan upang makatulong si Pulong sa ikauunlad ng bansa. DWIZ882
Comments are closed.