(Sarado ang mga barber shop at parlor) JASON ABALOS NAGGUPIT SA SARILING BUHOK, NAGMUKHANG BUNOT

DAHIL sa mahigpit na regulasyon sa social distancing at sarado rin ang mga barber shop at salon, hindi lang ang mga ordinaryong mamamayan ang hindi wallfacenakakapagpagupit ng buhok sa ngayon kundi maging ang mga artista natin.

Kaya para-paraan na para magupitan kahit paano ang haba ng buhok. May nagpapagupit sa kanilang mga mahal sa buhay at meron din naman na sariling pamamaraan, ika nga, do it yourself haircut.

At ang isa sa tumanggap ng challenge ay si Jason Abalos. Ayon sa kuwento ni Jason,  nang di na magawan niya ng paraan para makapagpagupit sa kanyang hairstylist o di kaya bumisita sa mga barbershop, ay siya na raw mismo ang naglakas loob na gupitan ang sarili.

Ang kanyang bangs ang inunang gupitan ni Jason. Feeling oppa raw si Jason sa kinalabasan ng kanyang sariling style ng gupit.

Ibinahagi niya sa sariling social media accounts ang kanyang ‘bunot’ quarantine hairstyle at idinagdag pa niya na ang goal sa tina-target niyang DIY gupit  ay ang  maging kamukha si Captain Ri, ang karakter ni Hyun Bin sa hit drama series na ’Crash Landing on You.’

 

LAUREN YOUNG  NILAIT  SA KOMENTO NIYA SA GOBYERNO

 

TAHIMIK ngayon ang kampo ng young actress na si Lauren Young, tulad din ng ibang artista nating isiniwalat ang kanilang pagka-disgusto sa administrasyon LAUREN YOUNG ngayon. Inulan ng katakot-takot na hindi magagandang pananalita ang naging tugon ng netizens sa komento ng mga artista.

Isa sa mga ito ay si Lauren Young. Nang minsang nagbigay siya ng  personal na komento, hindi naman  sang-ayon ang mga DDS o Duterte Diehard Supporters. Andyan na tawagin siyang laos, starlet at iba pa. Nabasa naman ni Lauren ang mga biradang ito sa kanya.

Inaasahan na rin naman niya ang mga negative comments na ito since nag-post nga siya ng kanyang nasa saloobin na may patungkol sa nangyayari ngayon sa bansa sa gitna ng pandemic.

“You can call me laos, starlet or pokpok all you want cus of how I tweet my opinions about our government. But he sought  this position – and I don’t agree with what’s happening. Sorry if the truth hurts but you can’t deny it especially when it’s staring right at your face.”