Maipagmamalaki talaga ng sambayanang Filipino na nagkaroon tayo ng isang Sarah Geronimo na hindi binago ng kasikatan ang pag-uugali.
Nananatili siyang down to earth at mapagkumbaba sa kahit kaninong tao, kaya hindi kataka-takang nananatili siyang nagniningning. Puring puri ng lahat ang kagandahan ng kanyang ugali, mula sa mga kapwa artista, hanggang sa simpleng camera man. Totoong tao raw talaga si Sarah G.
Alam naman nating lahat na minsang itinakwil ng magulang si Sarah dahil sa pagmamahalan nila at pagpapakasal ng asawang si Matteo Guidicelli, ngunit minsan man ay hindi siya lumaban o nagsalita ng masama laban sa kanila, maging sa mga kapatid na natuklasan natin sa ating pananaliksik na halos lahat ay umaasa sa kanya ng ikabubuhay. Hinayaan lamang niya ang kanyang ina na magsalita ng masasakit. Nagpa-interview pa nga. Kahit si Matteo, hindi rin kumikibo kahit binatikos siya ng husto bilang respeto sa asawa, mga biyenan at iba pang in-laws. Nakikisakay lang daw si Matteo sa kasikatan ni Sarah G. Kung alam lang nila kung gaano kayaman ang mga Guidicelli! Hindi niya kailangang mag-artista.
Pinatunayan ni Sarah G, unwittingly, na hindi lamang siya mahusay na artista, singer at dancer. Napakabuti rin niyang anak.
Kami po, hindi kami nagkukumpara, at wala rin kaming binabanggit na ibang pangalan kundi si Sarah G. Hindi rin po ako mahilig sa birthday kaya hindi ko sila idol ni Regine Velasquez. Pero bilang isang ina rin, hangang hanga ako kay Sarah G sa pagiging mapagkumbabang tao at mabuting anak.
Kung tutuusin, pwede siyang magyabang at mang-isnab dahil may ipagmamalaki siya, ngunit hindi. Nananatiling nakatuntong ang kanyang mga paa sa lupa, at sa napakatagal na panahon, naging masunuring anak, na ultimong pagpapagupit ng buhok ay kailangan pang ikunsulta sa magulang.
Para sa akin, hindi maituturing na pagsuway ang pagpapakasal niya kay Matteo dahil lahat naman tayo ay may karapatang umibig. Ipinaglaban lamang niya ang kanyang minamahal, at mukha namang hindi siya nagkamali.
Ngayon, mukhang nagkakaayos na sila ng kanyang pamilya pagkalipas ng maraming taon. Mabuhay ka Sarah G. Sana lahat ng anak ay tulad mo.
RLVN