SARAH GERONIMO TAGUMPAY SA KANYANG COSMETICS BUSINESS

sarah

IN two weeks’ time, since itayo ni Sarah Geronimo ang kanyang cosmetics businessentra eksena na tinawag niyang “Pop Studio” ay parating hotline sa rami ng orders na majority ay fans ni Sarah mula sa iba’t ibang bansa. Maganda at quality raw kasi ang make-up line ni Sarah na mabibili online at sa mga outlet nito sa kilalang shopping malls.

“Trend kasi siya nga­yon. And ever since mahilig talaga ako mag-make-up. I enjoy doing my own make-up ‘pag meron akong personal na lakad. Actually ‘pag nagmi-make-up kami ng makeup artist ko medyo pakialamera ako. Palaging collaborative,” nakangiting pahayag ni Sarah.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga taong nakapaligid sa kanya na patuloy na sumusuporta sa lahat ng mga ginagawa niya. “I’m happy na gano’n ka-supportive ang glam team ko. Gano’n din ka-supportive ang manager ko si Boss Vic (del Rosario). Buti na lang meron ka­ming mga industry experts who helped us in producing this make-up line namin na Pop Studio,” pahayag pa ng dalaga na may bagong pelikula sa Viva Films na “Unforgettable.”

TORONTO-BASED DIRECTOR REYNO OPOSA MAGIGING ABALA SA FILM

PRODUCTION  NGAYONG 2019  

MATAPOS mapansin si Direk Reyno Oposa para sa short film na “Takip­silim” na REYNO OPOSAnaging finalist sa Cinemalaya 2018 at mapabilang sa Qualified Filmmakers sa Second Cycle of Hidden Cinema: The Virtual Experience of Philippine Cinema’s Centenary. Mas naging inspirado si Direk Reyno na gumawa pa ng maraming pelikula kaya aside sa “Agulu” na huling pelikula ng mahusay na actor na si Kristoffer King ay dalawa hanggang tatlong pelikula ang plano nitong gawin ngayong taon sa sa-riling independent movie outfit na Ros Film Production at dalawa rito ay ang “Midnight Butterflies” at “Huling Birhen Sa Isla.”

Actually naghahanap ngayon si Direk Reyno na mga gaganap na artista sa films niyang ito. Medyo daring ang tema ng Huling Birhen at kailangan daw ay inosenteng dalaga ang gaganap rito.

Samantala, masaya ang Toronto based director sa magandang feedback sa pinagbibidahang short film (advocacy film) na “Life Journey” na kinunan mismo sa Toronto. Nagsilbing cinematographer ng said short film ang in-demand sa  Canada at iba’t ibang bansa na si Sem Kim at si Ervin Fontanilla naman sa photography.

EAT BULAGA FIRST EVER SHOW SA PINAS NA NAKAKUHA NG RIGHTS SA SIKAT NA ‘RUSH 4 WIN’ FUN GAME SA JAPAN

ANG galing talaga ng Eat Bulaga at sila ang u­nang nakakuha ng rights dito sa Pinas eat bulagang pinakasikat at number one fun game show sa bansang Japan na Rush 4 Win Philippines Slippery Stairs. Bale six contestants ang maglalaro dito sa Rush 4 Win at inumpisahan ito sa Eat Bulaga last Friday at ang first winner na tumang­gap ng P75K ay si Dabarkads Charles.

Sobrang nakaaaliw  ang nasabing game contest, na palakasan ng tuhod at braso ang labanan dito dahil slippery (madulas) nga ang mga stairs, kahit nasa itaas na ang mga kalahok, kaun­ting pagkakamali lang ay babagsak muli kayo hanggang sa ibaba. May chance namang mag-try na muling umakyat at baka sa next round ay suwertehin ang isa sa contestant na manalo.

Ang former boyfriend ni Miss Universe Catriona Gray na si Clint Bondad ang host ng nasabing segment kasama sina Jose Manalo at Ryan Agoncillo at may participation rin dito ang mga EB hosts sa pangunguna ni Bossing Vic Sotto na nasa APT Studio naman habang ang Rush 4 Win Philippines ay ginagawa sa iba’t-ibang Barangay. Noong Sabado ang mga finalist ng BakClash ang naglaro dito kasama ang grand winner at segment host ng Eat Bulaga na si Echo.

Comments are closed.