Sarah Lahbati, Richard Gutierrez co-parenting sa mga anak

NADAGDAG  na naman sa listahan ng mga couples na naghiwalay ngayon 2024 ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nang kumpirmahin ng una na single na uli siya ngayon.

Hindi raw naman nila ito itinatago – wala lamang nagtatanong.

Hindi na umano sila magkasama sa bahay, pero co-parenting sila sa kanilang mga anak na sina
Zion, 10, at Kai, 5. Sisikapin umano nilang dalawang maging mabuting magulang para sa dalawa nilang anak, dahil sila ang priority nina Sarah at Richard.

Hindi binanggit ni Sarah ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ngunit siniguro niyang nag-usap sila ni Richard tungkol dito. Kung may posibilidad na magkabalikan pa sila, wala ring sinabisi

Sarah. Open raw naman ang bahay niya kay Richard dahil ito pa rin ang ama ng kanyang mga anak. NLVN