NAKARANAS ng pagyanig na umabot sa magnitude 6.1 na lindol ang Sarangani province.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay nasa 17 kilometers east ng bayan ng Maasim na may lalim ang lindol ng 49 kilometers dakong 11:38 Huwebes ng gabi.
Umabot naman ang Intensity 5 sa Maasim, Glan at Malapatan sa Saranggani; Tupi, South Cotabato, General Santos City; at Palimbang sa Sultan Kudarat.
Habang Intensity 4 ang naramdaman sa Jose Abad Santos, Malita at Saranggani, Davao Occidental, Koronadal City.
Naitala naman ang Intensity 3 sa Davao City, Maco at Mawab, Davao de Oro. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.